What brought you here?
Click on the tabs above to navigate.
Halos dalawang linggo na ako nagkakaron ng masasamang panaginip. Masama talaga. Lahat tungkol sa death. Waaa.. Sino bang hindi matatakot dun. Talagang hindi ko makalimutan. Ok lang sana kung ako yung namamatay.. Problema e pamilya ko yung mga namamatay. Huhu. Kailangan ko na talaga ikwento ito kasi kung itatago ko, parang lalong nagsstuck sa isip ko. Huhu.
Una nangyari sa kapatid ng Tatay ko. Siya yung pinaka-kamukha ng Tatay ko. At everytime nakikita ko siya, namimiss ko lalo Tatay ko. Si Uncle Greg. Hindi ko nga alam kung bakit siya pa yung kasama sa panaginip na iyon, eh hindi ko naman siya iniisip bago ako matulog. Hindi ko nga siya iniisip kahit kelan. Matagal na siguro nung last na sumagi siya sa isip ko.
To make this short, namatay siya sa panaginip ko. Papaano? Uuwi daw siya sa Bicol, galing dito. May dalang malaking pera. Dapat magpplane siya pero sumama yung panahon. Wala siyang nagawa, nag-bus na lang siya. Ang sunod na maalala ko e tinali siya ng mga lalake at itinapon sa compartment ng kotse. Yung pagkatali e yung.. Yung parang sa contortionist, hehe. Yung yung kamay nakatali sa paa patalikod. Basta hindi ka makakatayo, either nakapagilid ka o nakadapa. Eh, basta yun na. After ng scene na yun, biglang nasa kotse na ako, kasama si Mama. Hindi ko alam kung san papunta, pero nakarating kami sa isang bahay. Hindi ko alam kung kanino. Parang bahay namin kaso iba yung landscape. May pebbles. Walang pebbles sa bahay. Meron lang grass. Hahaha. Pero yun. Pumasok. Nakita ko si Tita Pinky, ang asawa ni Uncle Greg. Tumingin ako sa right. May kabaong na glass. [Hindi ako tumitingin sa loob ng kabaong sa totoong buhay, takot ako hehe. Baka kasi may tumulak sakin tapos magland dun sa kabaong eklat eklat. Unang beses kong magpunta sa patay e 2nd year HS ako. Kumuha pa ako ng candy, bawal pala yun tangina. Tinakot ako ng nanay ko, hahaha. Anywaaay.] Oddly, lumapit ako. Hindi na kailangan tumingin sa loob, makikita mo agad yung katawan paglapit mo. So yun na nga, lumapit ako. Biglang naging black and white yung panaginip ko. Nakita ko si Uncle Greg, nakatali pa rin ang mga kamay, wala nang paa. Nakapagilid. Suot pa rin yung suot niya nung sumakay siya ng bus. Marumi ang damit. Madungis ang mukha. Tumitig lang ako. Hindi alam ang iisipin. Naguluhan. Naiiyak. Bigla akong nagising, takot na takot. Sobrang nakakatakot. Anong oras na? Son las cuatro diyes. 4:10am. Takot na takot talaga ako. Pinilit ko na lang magaral, ayoko isipin. Yung figure na yun, hindi talaga maalis sa utak ko putangina. Hanggang ngayon, hindi talaga maalis alis. May meaning kaya ang panaginip na iyon? Nakakatakot. Ayokong mangyari yun sa kahit kanino.
Nangyaring sunod sa kapatid ng Nanay ko. Si Auntie Carmen. Pareho din sa unang panaginip, hindi ko rin siya iniisip bago ako matulog o nung araw na yun o kung kelan man.
Nakatanggap daw ako ng text galing sa nanay ko. Hindi ko na masyadong maalala pero walang sinabi na yung Auntie ko yung namatay. Parang nakalagay lang na 'Hirak man kay Uncle Nando mo. Bata minakua pa sana daa ki kwarta su agom, pasakay na daa sa jeep, naholdap. Wara na.' ['Kawawa naman si Uncle Nando mo. Kakakuha pa lang daw ng pera ng asawa, sasakay na sa jeep, naholdap. Wala na'] Akala ko pa nga kung ano lang yung text ng nanay ko. Hindi pa ako nagreply. Paguwi ko, boom. Nakita ko yung asawa niya, si Uncle Nando, nagwawala. Patay na nga si Auntie Carmen. Sa panaginip ko. Dahil naholdap. Pinatay na rin. FUCK DIBA. Naalala ko lang na naimagine kong pasakay na yung Auntie ko sa jeep, naka color blue na uniform. Pinilit kong gumising, ayoko talagang mangyari yun. Alam kong hindi yun totoo. Pagmulat ko, umiiyak ako. Putangina yan. Nakakatakot. Pinilit ko na lang uli mag-aral. Hindi na ako makafocus, hindi nanaman maalis sa isip ko.
Dalawang panaginip. Parang paulit ulit na nangyayari sa utak ko. Notice the pattern? Pera. Hold up. Kamatayan. Bakit.. Bakit ganun? May pinapahiwatig ba sakin yang mga panaginip na yan? May mangyayari bang masama saakin? Sakanila? Sa kahit kanino? Takte.. Ayoko. Waa.. Dahil ba August kaya ganito? Hindi ko naman tinatakbuhan ang kamatayan.. Pero siguro takot akong mawala ang mga mahal ko sa buhay. Takot talaga ako.. Inihahanda ba ako ng mga panaginip ko sa mga maaaring mangyari sa future[Arg hindi ko maalala tagalog ng future! :|]?
Aaminin kong isa sa pinakamalaking takot ko e ang pagkawala ng tatay ko. My pop's not getting any younger. At oo, nasa 60's na tatay ko. Kaya sobrang laki talaga ng takot ko. Ilang beses ko na iniisip yun.. I always end up in tears. Tapos matutulog na lang. Hay.. Gusto ko kasi talagang makasama na si Papa. Do you see where this is going? My greatest dilemma. Pareho ng kay Bea.
To migrate or not to migrate.
Alam ko na dati pa yung sagot diyan. AYOKO. Ayoko talaga. Andito ang buhay ko sa Pilipinas. At hindi pera ang hinahanap ko. Ginhawa sa buhay? Wala namang may ayaw niyan. Pero sa ibang bansa ko lang ba yun mahahanap? Siguro nagiging idealistic ako masyado. At kesyo bata pa ako, hindi pa nakakaranas ng matinding kahirapan at pangangailangan sa pera/paghandle ng pera dahil ibinibigay lang lahat ng mga magulan ko. Oo, sige, hindi ko naman yun madedeny. Pero.. Hindi ka naman magiging happy kung.. kung hindi mo masshare ang lahat ng kung ano anong eklat sa mga mahal mo. Sa.. sa mga kaibigan mo. Hindi ka magiging masaya kung wala ka sa pilipinas. Your home. My home. Hay. Sabi sa A Series of Unfortunate Events 'As long as you have each other, you are home.' [Snickett on the kids losing their parents] But life is not just about mama, papa and me. Marami pang kasama sa buhay.. EWAN KO!! EWAN KO NA. Lumalayo na ako sa punto ko.. EWAN KO HUHU litong lito na ako :'c
Moving on. Diba yun nga, ayoko talaga DATI. Ngayon parang napapaisip na ako. Para sa tatay ko. Para sa pamilya ko. Tama na AKO. SILA naman..
So yun. Ewan ko.
Bottomline is. Takot na akong managinip. Takot akong mamatay kahit sino. Nalilito na ako.
Hehe sige bye.
|