Tuesday, March 21, 2006
1:25:00 AM
Dahil gutom na ako, kakain ako ng
frozen Del Monte Fruit Express Tropical Fruit Cocktail with Lychee Flavor No Preservatives in Heavy Syrup. Bakit
frozen Del Monte Fruit Express Tropical Fruit Cocktail with Lychee Flavor No Preservatives in Heavy Syrup? Dahil walang ibang pagkain dito sa dorm. Bakit walang pagkain? Dahil hindi na ako nakakapag-grocery. Bakit hindi na ako nakakapag-grocery? Wala lang.
Even drinking water is scarce in our room. Labo, biglang nag-english nubayan. D nga, wala na kaming tubig, huhu. Hindi pa kami nagpapa-refill sa baba. No funds, sorry, hehe.
Kumusta naman ang lasa ng frozen
Del Monte Fruit Express Tropical Fruit Cocktail with Lychee Flavor No Preservatives in Heavy Syrup? Lasang chicken. este lasang kalabasang dinurog. Hindi pala lasa.. yung texture nya, parang kalabasang dinurog. Lasang lychee in Heavy syrup.
Wag kayo bumili ng
Del Monte Fruit Express Tropical Fruit Cocktail with Lychee Flavor No Preservatives in Heavy Syrup kung hindi nyo type ang durog na kalabasang lasang lychee in Heavy syrup. Mag-aral na lang kayo sa Botany, uminom ng tubig at tiisin ang gutom.
Tulad ng gagawin ko.
Paalam.
|
Thursday, March 16, 2006
2:04:00 AM
Gusto ko ata ng hop-ball. Hindi ko maalala kung saang commercial ko nakita yung hop-ball pero parang gusto ko. Wala lang. Hindi ko naman gagamitin. Gusto ko lang makakita ng mga batang nag-hohop-ball.
Ang saya siguro.
Ang saya nilaaaa..
Naalala ko tuloy yung palabas na 'Full House'. Yung koreanovela na sobrang ganda nung babaeng bida. Hindi ko maalala yung mga pangalan nila[magtaka ka kung naaalala ko mga pangalan nila] sa palanas pero sa tingin ko si Full House yung bida. Hindi ako sumusubaybay sa Full House pero nakapanood ako ng ilang episodes at nakakatawa bwahaha. Natuwa naman ako, hehe :D pero hindi ko makalimutan yung kanta nila tungkol sa tatlong bear. Nakakabobo yung kanta pero tuwang tuwa naman ako. Inirecord pa nga namin yung kantang yun sa cellphone ng aking high school batchmate noong inihatid ko sila pauwi galing sa isang.. uh.. concert ba o practice? Ewan ko, basta kung ano man. Ang lalakas ng boses namin, halos mabaliw yung driver namin, haha.
Si Papa bur, si Mama bur at si Baby bur.Kahit kami ng pinsan ko, nagrecord din sa cellphone niya. Pareho rin ang nangyari pero galing naman kami sa sementeryo ng pinsan ko nang maisipan naming mag-record. Pati nga sa caption ng friendster photos ko naroon ang mga katagang
Si Papa bur, si Mama bur at si Baby bur. Ganun ako nahuhumaling sa kantang iyon.
Kaunti lang ang mga palabas na pinapanood ko sa TV pero once na-hook ako, talagang tinotodo ko, haha. Noong sem-break nga, dahil walang cable sa dorm, dumating sa puntong hindi ako natulog dahil gusto ko mapanood lahat ng episodes ng Alias, CSI, Desperate Housewives, The Apprentice, at lahat ng shows sa Star Movies na nakaligtaan kong mapanood. Pinapagalitan na ako ng nanay ko, haha. Bat daw hindi ako matulog, inuuna ko pa ang TV kesa sa kalusugan ko. Natigil naman ako ng ilang araw sa panonood ng TV. Nag-internet naman ako. Hindi pa rin ako natutulog para sa internet.
Ako na ata ang pinaka-pasaway na anak sa buong Pilipinas[oo, Pilipinas lang. este Filipinas]. Tsk.
Kalusugan. Speaking of kalusugan. Talagang napababayaan ko na ang aking kalusugan. Ngayon nga e gutom na ako. Nabubuhay ako sa skyflakes dahil ayoko na muna kumain ng fast food. Ayoko na rin ng skyflakes. Kailangan ko ng masustansyang pagkain. Kailangan ko ng Nutri-snack's Richee/Peewee junk food. Ironic. NUTRI-snack JUNK food. Wow, nagpapalinlang naman tayo sa DOH.
Naalala ko tuloy yung Humpy Dumpy na junk food at Tomi. Mga junk food na may Sangkap Pinoy Seal. Teka, Humpy Dumpy nga ba yun? Mali ata.. yung Humpy Dumpy ata yung mabaho yung amoy nung isang flavor pero masarap pa rin naman. Ata.. hindi ko maalala e.
Bakit may mga 'junk food' na healthy? Ano ang pinag-kaiba nila sa ibang junk food? Masustansiya na ba ang junk food na may seal na may sun at isang green na bagay na hindi ko maalala kung ano[labo ng statement, yoko magrephrase katamad]?
Sa tingin ko naman, nagbabalak lang ng world invasion ang DOH. Sinisimulan na nila ang rebolusyon sa pamamagitan ng junk food dahil alam nilang marami ang hindi nakaka-resist sa junk food.
Labo. Tinatamad na ako magimagine at mag-elaborate ng invasion nila..
Hay.
Wala na talagang mabuting tao sa mundo.
Ay teka, meron pala. Si Mang Tony. Nahulog yung cellphone ko sa kaniyang trike noong isang araw. Thursday, last week ata. Naalala ko lang na hindi ko hawak cellphone ko after 45minutes. Hindi ko na malaman kung ano na dapat kong gawin ng malaman kong wala na akong cellphone. Naupo na lang ako sa aking kama habang tinatawagan naman ni Inay ang aking cellphone. Buti na lamang ay sumagot si Mang Tony at ibinalik niya ang aking telepono. Mabuti na lamang.. Salamat talaga Mang Tony! Rumami pa sana ang tulad ninyo. At salamat Panginoon. Waa.. Sobrang salamat.
Kaya ngayon, hindi ko na makayanan ang aking gutom kaya gagamitin ko ang aking cellphone upang magpadeliver. Hay.. Fast food nanaman..
|